Nagkaroon ng simpleng Rizal Day Celebration ang aming opisina kanina. Our mayor passed a memo last week before the Christmas vacation informing us all officers and employees to attend the wreath-laying ceremonies at 7:30 in the morning at Rizal Park. I was quite late. Dramatic entrance pa ang dating ko. Lagot ako kay SAO II, aga pa naman niyang tumawag sa akin. Medyo pumuwesto ako sa may likuran, yung di gaanong halata na ako’y nahuli sa pagdating. Pero sa kaswertehang-palad, ha ha ha, may mas nahuli pang lima sa akin. So, ayos na naman feeling ko. Lusot na naman ako sa halimbawang bintang nila na ako na pinakalate.
Pagkatapos ng simpleng seremonyas, at siyangapala, the flowers were already offered at the foot of Rizal’s freshly painted monument when I arrived, and bale yung mga patawa na lang na mensahe ng bise ang nadatnan ko, saka nag-uwian na ang lahat, kanya-kanyang lakad na mga kaopisina ko. You know what, ni isa walang pumansin sa akin? Di kaya nila ako nakita? Wow ha. . . parang nashock ako dun. Napaginitan ko na lang pumanta sa internet café at duon ko ibinunton ang pagkamuhi ko sa sirili ko kung bakit deadma sila sa akin this morning.
I opened my gmail account. Opppsss…since naging tiga-subaybay na ko ni badoodles, may pumasok na message informing me that he has his latest blog posted in his site. Binasa ko, at nagcomment pa ko ha, ng tatlong beses. Panu naman kasi, di ko pa na oneclick yung pagtatype ko ng blogsite ko para lang mapabilang ako sa mga tambay sa site niya. Ewan ko kung pagbibigyan niya ko. At you know pa, ginamit ko pang pampalakas sa kanya na ako’y classmate ni Sir Gie, na isa na ring tambay sa site niya, and that’s very very true, at sya pa ang nag-encourage sa akin na magsulat and have my own blogsite. “No regrets Sir Gie, I enjoy blogging. Thanks to your encouragement.”
Ngayon, kahit tulog na tulog na ko at tumutulo na laway ko sa himbing ng tulog, at may napanaginipan ako, yun, bigla na lang akong babangon at isusulat ko ang mga makatuturan kong panaginip. Hanep sa tindi ng interes ko sa pagsusulat. Kasi, pag d ko pa sinulat agad eh makakalimutan ko na yun, pag gising na gising na ang aking diwa at kaluluwa. It seems that the flow of wonderful ideas in my mind is more real and sensible when I am writing half-awake, half-asleep. Pareho din yata yon. Kalahating gising at kalahating tulog? Aha, parang nasasapian, ganun ba? O di kaya’y sadyang madaldal lang ako, pero kahit paano, may konting sense, o di ba?
Yes, as if uhaw na uhaw ako sa hilig kong magsulat. FYI, nung highschool pa kasi ako naturuang magsulat. O kaya’y ipinanganak na siguro ako na may hilig sa pagsusulat. Sinubukan ko pa ngang imemorize yung laman ng isang pocket-sized dictionary nung higschool ako, pero sabi ng mga magulang ko, baka daw sa mental bagsak ko.
Thanks to the untiring patience, guidance and prodding of our English teacher nuon, the late Miss Cristina Nefulda. She died a virgin, you know! May her soul rest in peace!
During the workshops and rigorous trainings she gave us then, kasama ko si Sir Gie nuon, (we are the cream of the class kasi eh, he he he) she would continuously tell us to write anything, just anything we can think of that would give meaning to our existence. Eh kung ganun katindi and encouragement niya, eh di ang daling matuto. Ako pa naman yung taong may konting tipak sa brain ko na tinatawag na teachable, madaling matuto at maimpluwensiyahan. Tong istayl ng pagsusulat ko nga ngayon eh impluwensiya ni Badoodles. Wala nga lang element of sarcasm, yung tinatawag ni Sir Gie na anghang. Di ko kayang magpatutsada. Baka tanggalin ako sa opisina. Clean writing na lang gagawin ko na may konting patawa. Yun ay kung gusto ng mga readers ko na tumawa sa mga sinusulat ko. At least, may maisusulat or sinusulat ako. “I write to escape, to escape boredom.” Yan ang aking kasabihan ngayon.
So nagsulat ako ng nagsulat. Pero nung gabi ng December 27, gusto kong magalit kay Sir Gie. Sabi ba naman niya, siya lang ang nanalo sa national presscon nuong hayskul pa lang kami. Pero di ko na kinontra dahil hanggang regional level lang naman ako nanalo eh. Pero ipinagmalaki niya yun sa mga anak ko. Sakit nun ha. Mas magaling pala Tito Jun nila kesa sa Mom nila. Buwelta ko naman, “yang panganay ko classmate eh Editor-In-Chief sa school paper nila na The Tradean nung highschool siya, pero tamad lang magsulat ngayon” sabi ko. “Oh really?” sabi niya na parang namangha. Yehey. . . nakabawi ako. Like mother like daughter, di ba? Tapos sabi niya sa anak ko, “Why don’t you write and have your own blogsite anak.” Ngiti lang ang isinukli niya kay Sir Gie kasi naman busy siya sa katetext kay Superman ng buhay niya. Yun na siguro pinakamahalaga sa mga sandaling yun sa aking unica hija. Ang makipagtext. Sabi ko nga sa mga anak ko, malapit na silang magkafinger arthritis. Biruin nyo, sa loob ng apat na buwan eh 42,000 text messages na ang naisend niya daw? Gusto kong magalit, kasi kahit naka unlitxt sila, pera pa rin ang puhunan nila sa pagtetext.
Balik tayo sa tamang usapan: Gusto ko pa sanang idagdag, just to vouch that I have the genes of a writer, ha ha ha, na puedeng namana ng aking mga anak, kasi nga yung bunsong anak ko eh National Champion nung Grade VI siya sa Infomercial Broadcasting in English and he also grabbed the second spot sa Copyreading and Headline Wrting in English sa National Presscon sa Baguio City, two years ago, pero, di na, baka sabihin nya, medyo mahangin sa labas, o kaya’y parang magaan yung bangkong buhatin. ( di niya naman sasabihin yon, napakabait na tao ni Sir Gie, take and take na lang siya siguro) Eh masungit lang kasi akong magturo sa aking mga anak. Takot lang nila sa ‘kin pag di sila nanalo. (Sir Gie, parang di na okey tong sinusulat ko, pero totoo naman lahat eh.)
Pero alam niyo? Pagdating namin ng bahay, parang narinig lahat ng aking dalaga ang mga pinagsasabi ni Sir Gie nung gabing yon. She only has great appreciations for Tito Jun (that’s how they call him). He is a very intellectual and lovable person daw. Of which, totoo naman yon. Tama yon. Mas magaling siya talaga sa akin nung highschool kami. Lovable din ako, pero di niya ko minahal, huhuhu, joke. . . ha ha ha. Gising ako! di ako nanaginip noh!
To cap it all, masayang tumambay sa site ni Badoodles, may positive energy na nahihigop, gaya ng kasalukuyang nangyayari sa akin. But followers, today is December 30, 2008 at di ko alam kung kailan ko maipopost tong sinulat ko dahil nga walang net sa bahay. Matatapos na ang taon pero hanggang ngayon, manhid pa rin ang lahat. Di nila magets yung hiling kong Smart Bro. Siguro pagdating na lang ng hubby-daddy ko mula sa malayong laot eh magdadrama ako ng katakut-takot para lang maibili niya ko ng gusto ko.
Ang saya-saya! He he he. . . See yah later, folks!