Monday, December 22, 2008

Tagalized Version

As I was browsing through the site of Sir Gie, my classmate, I stumbled upon, “ako’y nadapa”, sa site ni kwentong barbero.com. Wow, puede din pala at masaya pala ang sumulat ng isang tagalized, taglish version ng blog. Nagpapakahirap ako na mag-ingles para lang makasulat ng isang makatuturang blog, pero convinced ako na paminsan-minsan ay magtagalized version din ako.

Himutok! Mahirap din palang mangapa ng isusulat, tagalized version! Pero di ako mawawalan ng lakas ng loob dahil minsang naikwento ko sa aking mga supling na ako’y nagsusulat na, sila’y namatanda tapos sabay “ha ha ha.” Tawa sila ng tawa. Nawawala na raw ako sa sarili ko. I’m insane na daw. . . Huh! Baka sa kalaunan daw eh magkablog-blog na daw pag-iisip ko. Na ang ibig nilang sabihin siguro ay lahat na lang ng gagawin ko ay panay may blog. Minsan kasi sabi ko, “ mga anak, don’t blog the door please”? What, Mom?!!? I said, “Please close the door gently.” Ayun, nagkatiniginan na lang sila. Sabay bunghalit ng tawa. Pero, at the back of my mind, I was challenged!

Tapos seryoso pang sambit nila, o kaya’y nanunudyo sila ng sinabing “Mom, why don’t you try to write a column in the PDI, like Pat Evangelista, Neil Cruz, Conrado de Quiroz, Manuel L. Quezon III, at iba pa.” “You sure would make a fortune,” they added. Oh no? They’re prodding their Mom to be a controversial columnist? I said, “Of course not!” “Because”, I told them, “your Mom is writing just to kill sleeplessness, just to exterminate boredom, just to heal migraine.” As one writer said and I quote: “I write to escape; to escape poverty”. But for me, “I write to escape; to escape boredom”.

Subali’t napakahaba ng bakasyon. Medyo mamahinga ang aking isip sa pagsusulat. Kasi naman, kailangan ko pang lumabas ng bahay para lang makapagpost ng blog? Eh kung papasok ako sa opisina, I can sneak into the web once in a while just to broadcast my thoughts worldwide.

Ako’y nagmumuni-muni ngayon kung bibili na ako ng SMART Bro o hindi. But if I do, naku, mag-uunahan na naman ang aking mga anak sa paggamit. Siyempre, talo ulit ang ina. Bahala na. Basta, mahal kong tagasubaybay, medyo siguro bitin itong tagalized version ko. Am just taking a noon break, kailangan ko lang gugulin sa makatuturan ang breaktime kong ito. Bukas, Christmas party sa ofis. Di na ko makakasneak sa web. Mery Christmas to all. See you next year!

1 comment:

  1. sus ganun pala yun,..kaya pala. pero interesting din naman itong panghimagas mo sa mga avid readers mo na tulad ko..

    ReplyDelete